Monday, February 13, 2012

isla pantasya

tuwing umaga sa aking pagising problema sa pera, pamilya, barkada ang problema... wala'ng trabaho para kumita ng maganda at mabili ang lahat ng gusto o pinaplano, hindi nman ako tamad mghanap ng trabaho.... kulang kasi ang aking pinag-aralan kaya siguro sadyang mailap para sa akin ang maganda'ng kapalaran... oo! mababa lang ang akin'g pinag-aralan. bunga ito ng pagrerebelde ko sa akin'g mga magulang buhat ng kanila kami'ng pabayaan.... ang akin'g ama ay may asawa ng iba at ganun din naman ang akin'g ina.... kaya simula't sapul pa lang ng akin'g pagkabata iisa'ng lugar lang ang lagi ko'ng pinupuntahan ang ISLA PANTASYA. tuwing pumupunta ako sa lugar na yun marami ako'ng napupuntahan at nagagawa. wala'ng boundaries. duon ay buo ang pamilya ko, lahat kami ay masaya at wala'ng problema, dun ako ang pinaka-malakas, pinaka-matalino, pinaka-mayaman lahat na ng puede'ng maging ako kaya'ng-kaya ko dun..... wala'ng patid ang araw para sa akin pag ako ay nanduon... kahit gabi bumibisita pa rin ako sa isla'ng wala'ng bawal. MASARAP! yun ang eksakto'ng termino na puede ko'ng sabihin sa lugar na yun.... pero sa kabila ng mga kaligayahan na nararanasan ko sa lugar na yun mayroon pala sya'ng unti-unti'ng inaagaw sa akin..... ang akin'g pagkatao. tiningnan ko ang akin'g mukha sa salamin at hindi ako makapaniwala na ito ba yun'g bata na kinagigiliwan ng lahat? hindi ko alam kung ano ang nangyari sa akin.... dun sa isla na pinagbakasyunan ko ay ako ang pinaka sa lahat, pero pag-uwi ko sa reyalidad ako pala ang pinaka-aba sa lahat...naghangad ako na ayusin ang buhay ko pero hindi ko matagpuan ang lugar ng kapayapaan, hirap ako'ng umahon mula sa lusak na akin'g kinasadlakan.. dahilan para lalo ako'ng magalit sa dalawa'ng tao na higit na may kasalanan sa akin. ang akin'g magulang. siguro kung hindi sila naghiwalay hindi ko sasapitin ito, siguro kung pinuno nya lang kami ng pag-aaruga hindi kami ganito, kung binigyan lang nila kami ng pansin, pagmamahal alam ko'ng hindi ako magkaka-ganito. ano pa ang silbi ko? wala na! wala'ng pangarap, wala'ng ambisyon, wala'ng direksyon. pero gusto ko ng pagbabago... ng ako ay natutulog bigla ako'ng nagising at nasumpungan ko ang akin'g sarili na umiiyak. sinabi ko... "nandiyan ka ba? bakit ganito ang nangyayari sa buhay ko? bakit kung ano ang mga magaganda'ng bagay na gusto ko'ng mangyari sa buhay ko ay kabaliktaran ang ibinibigay mo sa akin? masaya ka ba na nakikita mo ako'ng ganito? hindi ako lalaban sayo... DIYOS ka, tao lang ako... pero sana naman po wag nyo ako'ng pahirapan ng ganito... kung ano man ang nagawa ko'ng kasaalanan pinagsisisihan ko na po ito, sira-sira na po ang buhay ko, patawarin nyo po ako. imbis na isumpa nyo ako bigyan nyo ako ng pagkakataon na magbago." pagkatapos ng oras na yun gumaan ang pakiramdam ko! nawala ang bigat na matagal na matagal ko ng kinikimkim sa dibdib ko... kinabukasan, pagtingin ko sa labas kaka-iba ang huni ng ibon, ngayun ko lang napuna na napakasarap pala'ng pakinggan ang huni ng mag ito. kakaiba ang sikat ng araw, dumampi sa balat ko ito ng unti-unti at bigla'ng nasagi sa isip ko ang kataga'ng ito.... "UMPISAHAN MO SA SARILI MO ANG PAGBABAGO!" ginawa ko ang mga bagay na yun. totoo!  malaki ang pagbabago na naganap sa akin! napatawad ko na si mama, si papa kahit hindi ko sya nakikita alaam ko sa sarili ko na pinatawd ko na sya.... mula nun, hindi na ako bumibisita sa isla pantasya. kung saan ang dami nya'ng inagaw na panahon, kalakasan, kabataan at pagkakataon sa akin... salamat sa dakila natin'g DIYOS dahil sinagip niya ako sa isla na kinasadlakan ko.

Sunday, February 12, 2012

saan ka na?

ang hirap talaga ng lumaki ng walang ama... bata pa lang ako ng magdesisyon ang aking mga magulang na sila ay maghiwalay....ayaw man namin ng aking kapatid na sila ay maghiwalay wala kaming nagawa. araw-araw kaming nghihintay sa labas ng aking kapatid pero walang ama na dumadating sa harap namin. hanggan sa lumaki na kami at nagkapamilya, minsan nagtatanong sa akin ang aking asawa kung na saan na ang aking ama. ang hirap sagutin...